(Source: bacon-world)
FOR PAMU’s HATERS!! PAMU PAMORADA —FOR THE WIN!
Bakit ang daming haters ni Pamu? Hindi nga nila nakakasama yung tao, napapanood nga lang nila sa tv, kung mahusgahan nila. SOBRA na. Isa lang naman ang dapat itawag sakanila eh “INSECURE” kasi hindi nakasama sa BIG 4 ang bet nila. Yun lang yung main reason bakit nila nilalait si Pamu. In 5 months masasabi nila na plastic si Pamu? Imposible naman ata maitago mo yung attitude mo sa loob ng limang bwan. Aba! Sasabog ka na nyan kung puro kaplastikan lang naman! Kaya nga lumaban na si Pamu di ba? (M6, Don and Donya sa Hacienda). Si Pamu yung tipo ng tao na cool lang at simple. TOTOO SA SARILI. Kung may bad attitude man sya, natural lang yon. Bakit kayo ba wala kayong masamang ugali? Perfect nyo naman kung wala. Kaya yung mga naninira kay Pamu, ask ko lang bakit di kayo pumunta o tumawag sa ABS CBN para dun magreklamo? Wag nyo idaan sa tweets. Kayo ata ang plastic at di totoo sa sarili kasi di nyo makaharap ang kinakalaban nyo. Si Pamu di deserving? Paano nyo nasabi? Dahil lang sa mga napapanood nyo? Kung wala syang ginagawa o di sya nakikicooperate sa mga tasks nila, bakit hindi sya binoboto ng mga HMs? Bakit di sya nirereklamo ng mga HMs na di sya nakikicooperate? Bakit sya ang Big Winner ng mga ex HMs. At bakit gustong gusto sya kasama ng mga HMs at magaling daw makisama, lahat nakakasundo? Sabi yan ni Tin di ba? Kung pahirapan ang botohan bat andun pa din si Paco and Slater? Edi sana si Eting nalang. Kaya kayo wag masyado mapanghusga dahil si Pamu, di perpekto. Feeling nyo naman perfect kayo. Kayo pala feelingera, mga walang mukha maiharap at di humarap para magreklamo. Kayo ang duwag! Isa pa, dun sa mga sinasabi nyong violations ni Pamu, kung talagang violations yon nagawan na yon ng paraan ng PBB! Hindi dahil sa pet nila si Pamu, di nila kayo pinansin dahil wala naman talagang violations na naganap! Hindi gagawa ang PBB ng kasiraan nila lalo na at may LS lagi, kung nandadaya sila edi sana wala ng LS na pinapakita! Gawa gawa nyo na lang yan. Malay namin kung edited yon at ginawa lang para makasira ng tao? Sa text votes naman, porke mayaman sila nalang me karapatan mapasama sa Big 4? Pano kung pamilya lang ng mayaman na yon at konting fans nag-ambagan para masave yung bet nila kumpara sa madaming fans plus OFW and family (I’m talking about Pamu… and Biggel na din). Sino mananalo, syempre yung madaming fans at madaming naniniwala. Si Pamu yon! Walang dayaan na nangyari sa botohan, kita nyo naman yung rankings last week at kahapon. About sa technical problem naman last week daw na BB _____ tapos name daw ni Pamu niresponse ng network (**pero this last voting, oo may technical problem at aminado naman ang PBB dun. Sinabi nila LIVE!!**), malalaman ba na totoo yon? Madali na mag edit ngayon. Wag nyo sinisiraan ang PBB dahil sa mga bagay na mali at lapastangan na kayo naman mismo ang gumagawa. I’m here to protect Pamu. Dahil nakakasama ko dito Mommy nya at pag nagkukwento Mommy nya samen, kung ano si Pamu sa labas ganun din sya sa loob ng bahay ni Kuya. Kaya stop judging Pamu. Kung pwede nga lang wag nyo na pakealaman kung ayaw nyo sakanya, bakit ano mapapala nyo sa kakainsulto sakanya? Yumayaman ba kayo? Feeling nyo madami mag reretweet ng tweets nyo? Gagawin nyo yung way kasi feeling nyo sisikat kayo.
Last na ‘to, kung ayaw nyo manood ng PBB dahil galit kayo kay Pamu o sa ibang HMs, e patayin nyo na TV nyo o ilipat nyo. Lalo nyo lang ginagalit ang sarili nyo na nagmumukha na kayong TANGA! Inaaway nyo yung tao na di naman kayo papansinin o papatulan. Nag-eefort pa kayo gumawa ng account sa Twitter o FB. At higit sa lahat nag-eeffort pa kayo panoodin sa TV sa taong ayaw nyo. Nakakatawa din naman, ginagalit nyo kasi ang sarili nyo. :)
Oh, well. Paco, Slater, BIGGEL and of course PAMU! Karapt dapat talaga kayo.
Sa mga haters nila and most esp Pamu’s haters: Wag na kayo manood ng Big Night. Baka masmabaliw pa kayo pag napanood nyo sila. KBYE! :) *PEACE*




